Pacquiao, nangako na protektahan ang mangingisda sa teritoryo ng bansa

Pacquiao, nangako na protektahan ang mangingisda sa teritoryo ng bansa

IPINAPANGAKO ni Sen. Manny Pacquiao na protektahan niya ang mga mangingisda sa territorial waters ng bansa upang hindi takutin ng mga fishing vessel ng ibang bansa.

Ito ang inihayag ni Pacquiao sa harap ng mga shellfish fishermen at mga vendor ng Brgy. Siniguelasan, Bacoor City.

Tinutukoy ni Pacquiao ang mga mangingisda sa kontrobersyal na West Philippine Sea (WPS).

Aniya, dapat maglagay ng coast guard na magbabantay sa mga mangingisda.

Nangako rin si Pacquiao na bibigyan ang mga ito ng mga modernong kagamitan sa pangingisda.

Ani Pacquiao na kasama ang mga ito sa kanyang programa sa pabahay.

Follow SMNI NEWS in Twitter