Humanitarian consideration para sa Afghan refugees, ikinokonsidera ng DOJ

Humanitarian consideration para sa Afghan refugees, ikinokonsidera ng DOJ

IKINOKONSIDERA ng Department of Justice (DOJ) ang Humanitarian consideration para sa Afghan refugees.

Inamin ng DOJ na posibleng abutin pa ng hanggang dalawang linggo ang itatagal bago sila makapagbigay ng opinyon sa Department of National Defense (DND) kaugnay sa usapin sa mga Afghanistan refugee.

Sinabi ni Justice Undersecretary for Legal Affairs at DOJ OIC Raul Vasquez na pinag-aaralan pa kasing maigi ng DOJ ang legalidad kung dapat bang tanggapin o hindi ang mga Afghanistan refugee dito sa Pilipinas.

Isa aniya sa tinitingnan mabuti ng DOJ ang humanitarian consideration kung dapat nga bang tanggapin ang mga Afghan refugee na magtungo dito sa bansa.

Iginiit pa ni Usec. Vasquez na kailangan din pag-aralan ng husto kung sino ang magpopondo sa pananatili ng mga dayuhan sakaling payagan ang asylum nila.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter