Iba pang mga barko ng MT Princess Empress, posibleng i-ground

Iba pang mga barko ng MT Princess Empress, posibleng i-ground

SINISILIP at pinag-aaralan na rin ng Department of Justice (DOJ) ang posibilidad na i-ground o pigilan munang makapaglayag ang tatlo pang barko na pag-aari din ng MT Princess Empress.

Ipinaliwanag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na katulad din kasi ito na kapag may naaksidenteng eroplano ay otomatikong grounded ang lahat ng mga kahalintulad na eroplano.

Kabilang aniya ito sa mga isyu na kanilang aalamin sa MARINA o Maritime Industry Authority dahil ito ang ahensiyang may direktang kontrol sa operasyon ng mga barko.

Layunin aniya nito na maiwasang maulit pa ang aksidente ng paglubog ng barko na nagdudulot ng malaking perwisyo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter