NAGLAGDA ng memorandum of agreement (MOA) ang Maritime Industry Authority (MARINA) at Commission on Elections (COMELEC) kahapon, Marso 2, 2023.
Ito ay para sa pagpapatayo ng ilang registration centers para sa mga overseas voters bilang bahagi ng paghahanda sa May 2025 national and local elections.
Sa isang pahayag, sinabi ng MARINA na ang inisyatiba ay maggagarantiya sa tuluy-tuloy na pagpaparehistro ng mga kwalipikadong botante sa ibang bansa mula Disyembre 9, 2023 hanggang Setyembre 30, 2024.
Inaasahang mag-o-operate ang registration center mula sa paglagda ng kasunduan hanggang sa Setyembre 30, 2024, mula Lunes hanggang Biyernes, 8am – 5pm.
Sa pagpapatayo ng registration centers, layunin ng MARINA at COMELEC na masiguro na makalalahok sa nalalapit na halalan ang bawat Pilipino saanman sila naroroon.