Iba’t ibang armas, isinuko sa Maguindanao del Sur

Iba’t ibang armas, isinuko sa Maguindanao del Sur

ISINUKO ng 7 barangay ang iba’t ibang armas bilang bahagi ng kampanya kontra loose firearms sa Maguindanao del Sur.

Pinangunahan ni Datu Anggal Midtimbang, Mayor Mary Joy Estephanie Midtimbang ang “Balik-Baril” program na isinagawa sa Municipal Covered Court sa Brgy. Adaon.

Sa ulat kay 6th Infantry Division (6ID) at Joint Task Force Central Commander Major General Alex Rillera, kabilang sa mga isinukong armas ay ang 3 Cal.30 M1 rifle, 1 M14 rifle, 1 Uzi 9MM, dalawang 12 Gauge shotgun at 1 M16 rifle.

Mula pa ito sa mga barangay ng Brar, Mapayag, Adaon, Midtimbang, Tulunan, Nunangan, at Tugal.

Pinuri ni Rillera ang 2nd Mechanized Infantry Brigade at 601st Infantry Unifier Brigade sa kanilang pagsisikap na tuldukan ang pagkalat ng loose firearms.

Tiniyak ng militar na patuloy ang gagawin nilang paglalansag ng loose firearms para maging mapayapa ang Mindanao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter