Iba’t ibang programa ng DOH-Bicol, inilunsad

Iba’t ibang programa ng DOH-Bicol, inilunsad

ANG DOH-CHD Bicol ay sabay-sabay na naglunsad ng mga programa sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad pangkalusugan para sa publiko katulad ng Prostate Cancer Awareness Month, National Organ and Blood Donation Awareness Month, Men’s Health Month at iba pa na makakatulong sa publiko upang mapangalagaan ang kalusugan sa gitna ng pandemya.

Kaugnay ng selebrasyon ng Father’s Day sa buong mundo, ang DOH-CHD Bicol ay nagkaroon ng mga programang pangkalusugan at isa na rito ang pagkonsidera ng buwan ng Hunyo bilang men’s health month na layuning maging bahagi ng solusyon laban sa gender inequality at reproduction health issues ng mga kalalakihan.

Kabilang na rin sa pagdiriwang ang patuloy na paghihikayat ng ahensya na alagaan ang kanilang pangangatawan sa pamamagitan ng pagkain ng tama, pag eehersisyo at pag-iwas sa mga bisyo upang maiwasan ang sakit.

Samantala, kasabay ng buong mundo, ang World Blood Donation Day ay inilunsad rin sa pamamagitan ng paghihikayat sa publiko na mag donate ng dugo simula ngayon at sa tuwing ika-3 buwan na maaring makatulong ng higit sa 100 buhay sa loob ng 10 taon at 3 buhay ang maliligtas sa pamamagitan ng 1 blood bag na idodonate.

Ito ay sa pamamagitan ng bayanihan na tinawag na Dugoyanihan para sa isang malusog na Pilipinas.

Itinuturing ding National Organ Donation Month ang buwan ng Hunyo, kung saan ang organ and tissue donation ay maituturing na noble act na dahilan upang tawaging modern-day heroes ang sinumang magdodonate ng mga ito dahil ito ay makakatulong sa sinumang nasa kritikal na kundisyon at lubos na nanganganib ang mga buhay.

Ang buwang ito rin ay tinawag na Prostate Cancer Awareness Month kung saan napag alamang ang kanser na ito ay pang apat sa nangungunang site ng cancer na sanhi ng pagkamatay ng mga lalaking Pilipino.

Layunin ng programang ito na ipaalala na patuloy na alagaan ang kalusugan dahil mas masaya ang buhay kung ang isang tao ay may malusog na pangangatawan.

(BASAHIN: DOH-Bicol, naninindigan na hindi nagdadala ng sakit ang mga itinuturok na bakuna kontra COVID-19)

SMNI NEWS