Ika-44 na Commencement Exercises ng “Masidtalak” Class of 2023 ng PNPA, pinangunahan ni PBBM

Ika-44 na Commencement Exercises ng “Masidtalak” Class of 2023 ng PNPA, pinangunahan ni PBBM

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang 44th Commencement Exercises ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Masidtalak” o (MAaasahang tagapagSIlbi ng Inang Bayan na may Dangal at TAlino na ang LAyunin ay Kapayapaan) Class of 2023.

Ginanap ito sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite nitong umaga ng Biyernes, Marso 10.

Ito ang unang pagdalo ni Pangulong Marcos bilang Commander-in-Chief sa PNPA graduation rites kung saan humigit-kumulang 208 kadete ang nagtapos.

Sa bilang na ito, 186 ang nakatakdang sumapi sa Philippine National Police (PNP), 11 ang magsisilbi sa ilalim ng Bureau of Fire Protection (BFP) at 11 pa sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Kasama ni Pangulong Marcos sa event sina DILG Sec. Benjamin C. Abalos Jr. at PNPA Director PMGen. Eric Noble.

Nakatuon ang tema ng pagtatapos ng mga kadete ng PNPA sa “Kapulisan na May Malasakit at Integridad, Sandigan ng Kaayusan ng Sambayanan”.

Follow SMNI NEWS in Twitter