DUMATING na ang ikalimang batch na mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa Israel.
Ang naturang Pinoy repatriates ay binubuo ng 22 OFWs at isang bata na dumating pasado alas-3 ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, ngayong Lunes, Nobyembre 6.
Kasama rin dumating ang abo ni Mary Grace Prodigo-Cabrera na dala ng kapatid ni Mary June Prodigo na nasawi sa unang araw na pag-atake ng grupong Hamas sa Israel.
Sumalubong ang mga magulang ni Mary Grace at mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno kasama rin si Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss.