Ilang baybaying-dagat sa bansa, positibo sa red tide

Ilang baybaying-dagat sa bansa, positibo sa red tide

NANANATILING positibo pa sa toxic red tide ang ilang baybaying-dagat sa bansa.

Batay sa abiso ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), hindi pa rin ligtas ikonsumo ang mga shellfish at alamang mula sa Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Daram Island at Zumarraga Island sa Samar at ang mga mula sa Irong-Irong Bay, Samar.

Kasama rin sa positibo sa red tide ang Carigara Bay, Leyte; Tungawan, Zamboanga Sibugay; Biliran Island, Biliran; at Lianga Bay, Surigao del Sur.

Tanging ligtas kainin ang mga isda, pusit, at alimango mula sa mga nabanggit na baybaying dagat basta linisin lang nang mabuti bago lutuin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble