Ilang biyahe papuntang Norte, fully booked na sa ilang bus terminal sa QC

Ilang biyahe papuntang Norte, fully booked na sa ilang bus terminal sa QC

FULLY booked na ang ilang biyahe patungong norte sa ilang bus terminal sa Quezon City.

Kung kaya’t, ang ilang pasahero ay maaga nang nakabili ng ticket.

Pero, tiyaking magbaon ng mahabang pasensiya kung dadaan sa Balintawak Toll Plaza sa North Luzon Expressway (NLEX).

Maaga pa lang ay dumating na sa Five Star bus terminal sa Cubao, Quezon City ang construction worker na si Tatay Edgar.

Hindi para magtrabaho kung hindi para umuwi na sa Quirino province upang doon magdiwang ng Pasko kasama ang kaniyang pamilya.

“May pasalubong ako sa pamilya ko, para maaga umuwi,” ayon kay Tatay Edgar, Pasahero.

Malalaking bag na puno ng regalo naman at iba pang gamit ang dala ni Ate Macy pauwi sa Norte.

Dahil wala na rin itong pasok sa trabaho, kung kaya’t minabuti na niyang umuwi ng maaga para mas masulit ang araw na kasama ang pamilya.

“Kasi bukas sigurado, kasi kung ito nga na wala tayong masakyan how much more pa bukas at tsaka sa 24,” ayon naman kay Macy, Pasahero.

Sinabi ng pamunuan ng naturang bus terminal, fully booked na ang ilang biyahe patungong Norte.

Kabilang na ang biyaheng Pangasinan, Tuegegarao at Cagayan Valley hanggang bukas ng Disyembre 23.

Pero, maaari pa rin naman makabili ng ticket ang mga walk-in passenger para sa mga nabanggit na ruta ‘yun nga lang sa Disyembre 24 pa.

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay muling nagpaalala sa mga kompanya ng bus at operator na paigtingin ang safety measures ngayong Kapaskuhan.

Kabilang na ang mahigpit na pagsunod sa traffic regulation, tamang maintenance ng mga bus, at komportable at maayos na bus para sa mga pasahero.

“As we approach the festive holiday season, I order all bus companies to implement stringent safety measures, including the strict adherence to traffic regulations, proper maintenance of vehicles, and the provision of comfortable and well-maintained buses for passengers,” wika ni Asec. Teofilo Guadiz III, Chairperson, LTFRB.

Tiniyak din ng ahensiya na may sapat na bilang ng mga bus units ngayong holiday season lalo’t higit 1,000 bus units ang nabigyan ng special permits.

Hapon ng Biyernes ay nagsimula nang maramdaman ang mabigat na trapiko sa Balintawak Toll Plaza sa North Luzon Expressway (NLEX) ng mga biyahero na palabas ng Metro Manila.

Sinabi ni Robin Ignacio, NLEX Corporation Senior Manager for Traffic Operations na inaasahan nilang mas maraming biyahero ang dadaan sa mga toll plaza ngayong Pasko.

Ito ay kung ikukumpara nitong mga nakaraang buwan na may Undas at Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

“Mas marami ‘yung mamo-monitor natin or uuwi ‘yung ating mga kababayan natin ngayon lalong-lalo na dineclare rin po na walang pasok sa 26. So, mas mahaba yung time na puwedeng magbakasyon ang ating mga kababayan,” ayon kay Robin Ignacio, Corporation Senior Manager for Traffic, Operations, NLEX.

Around 30,000 or a bit over 30,000 for NLEX and then SCTEX mga 6,000 to 7,000.

Ang mag-inang si Nanay Amelita at Ate Grace naman na mula Laguna ay excited na makauwi sa kanilang probinsiya sa Bulacan.

“Kasi ako ang pinakamatanda magkakapatid siyempre bihira kami magkita-kita,” ayon kay Nanay Amelita, Biyahero.

“Masarap ngayon dahil magkita-kita na kami mga pamilya face to face na kumbaga mas excited kasi kahit from Laguna kami ay madali na lamang kami makapunta sa Bulacan,” wika ni Ate Grace, Biyahero.

Bukod sa kanilang gamit at pera, mahabang pasensya rin ang bitbit ni Tatay Mario sa kanilang biyahe papuntang Isabela.

“Tsaka sa traffic magtitiis ka, pasensya baon mo,” ayon naman kay Tatay Mario, Biyahero.

Higit 1,500 traffic, toll at system personnel na magtitiyak sa kaayusan sa mga toll plaza, ipinakalat ngayong holiday season—NLEX

Dahil sa inaasahang dagsa ng mga biyahero, mahigit 1,500 traffic, toll tellers, patrol group, at system personnel ang ipinakalat sa mga toll plaza.

May mga emergency medical services at incident response team ang idineploy para umalalay sa kaligtasan ng bawat motorista o biyahero.

“As part of our safety mo, sagot ko motorist assistance program may mga free towing po ng mga class 1 vehicle na nagkaka-problema mula po kaninang 6am hanggang sa 6am ng December 26 and then implement po namin ulit ng 6am ng December 26 hanggang December 27 ng 6am,” dagdag ni Ignacio.

Bukod sa mga bukas na RFID lane, nasa limang cash lane din ang binuksan ng NLEX Corporation partikular na sa Balintawak Toll Plaza upang mas maging mabilis ang paglabas ng mga biyahero.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble