Ilang brgy sa San Jose del Monte, Bulacan nalubog sa baha

Ilang brgy sa San Jose del Monte, Bulacan nalubog sa baha

NALUBOG sa baha ang ilang barangay sa San Jose del Monte, Bulacan.

Hapon nitong Biyernes, Hunyo 6, 2025 nang umabot hanggang dibdib ang taas ng baha.

Batay pa sa ulat ng San Jose del Monte City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), 22 barangay ang naapektuhan ng sama ng panahon.

Sa buong lungsod, aabot sa 373 pamilya o katumbas ng 727 indibidwal ang apektado.

Subalit 17 pamilya o 85 indibidwal lamang ang inilikas sa dalawang barangay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble