ISINUGOD sa ospital ang 7 katao na naninirahan malapit sa Magsimpan Ice Plant sa Navotas City kasunod ng insidente ng ammonia leak.
Ayon sa Navotas Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), inilipat ang mga pasyente sa Navotas City Hospital.
Inaalam naman ng mga awtoridad kung ang pagkamatay ng isang lalaki na residente ay may kaugnayan sa nangyaring ammonia leak.
Sa gitna ng ulan, lumikas ang mga residente ng Barangay NBBS Proper at Barangay NBBS Kaunlaran matapos kumalat ang ammonia leak, alas 3 ng madaling araw.
Sinabi ni Navotas DRRMO Chief Vonne Villanueva na ito na ang ikatlong beses sa loob ng dalawang taon na nagkaroon ng ammonia leak sa Magsimpan Ice Plant.
Dagdag pa ni Villanueva, itinigil na nila ang operasyon ng planta at titiyakin nila na ligtas ang lahat bago payagan itong muling mag-operate.
