Ilang istasyon ng Pasig River Ferry Service, pansamantalang walang operasyon

Ilang istasyon ng Pasig River Ferry Service, pansamantalang walang operasyon

PANSAMANTALANG walang operasyon sa ilang istasyon ng Pasig River Ferry Service dahil sa nasirang pontoon at low tide.

Kabilang sa mga istasyon ay ang Valenzuela, PUP at Maybunga.

Samantala, regular pa rin ang biyahe sa sampung istasyon kabilang na ang Pinagbuhatan, San Joaquin, Kalawaan, Guadalupe, Sta. Ana, Lawton, Quinta, Hulo, Escolta at Lambingan.

Nanatili pa ring libre ang pagsakay sa Pasig River Ferry Service.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter