Kauna-unahang Public Paw at Skate Park, itatayo sa Valenzuela City

Kauna-unahang Public Paw at Skate Park, itatayo sa Valenzuela City

NAKATAKDANG magtayo ng sariling Public Paw at Skate Park ang Valenzuela City sa NLEX Harbor Link, Brgy. Karuhatan.

Pinangunahan ni Mayor Wes Gatchalian ang groundbreaking nitong Martes, Hunyo 20, 2023 kasabay ng pasasalamat sa North Luzon Expressway (NLEX) bilang partner sa proyektong kakaiba.

Sa kabuuang 540 square meters na espasyo ng lupa ay gagawing paw activity area, picnic area, sitting area, concrete walkway, and bike parking area ng lungsod.

Ang humigit-kumulang 4,000 sqm skate park area ay magkakaroon naman ng skate bowl, stair sets, pipe ramps, flat rails, grind boxes, benches, bike racks, at marami pang iba.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter