IBINAHAGI ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) na may ginagawa nang 170-K units o katumbas ng 55 housing projects sa iba’t ibang lugar sa National Capital Region (NCR) ang kasalukuyang ginagawa.
Ito ang dahilan kung bakit ipinapa-inventory ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Metro Manila mayor’s ang ilang open spaces na pinagmamay-ari ng pamahalaan.
Magsisilbi itong pansamantalang relocation areas ng mga benepisyaryo habang ginagawa pa ang in-city mass housing para sa mga mahihirap na pamilya sa NCR.
Hinggil sa backlog, sinabi ng DHSUD na mayroon pa silang 6.5-M na dapat maitayong housing units sa buong Pilipinas alinsunod sa kagustuhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na mabigyan ng desenteng tahanan ang bawat pamilyang Pilipino.