Ilang lugar sa Quezon City, ininspeksyon ng PNP para sa SONA ni PBBM

Ilang lugar sa Quezon City, ininspeksyon ng PNP para sa SONA ni PBBM

ININSPEKSYON ni PNP director for operations Police Major General Valeriano De Leon ang mga checkpoint at deployment ng kanilang mga tauhan sa Quezon City.

Ito ay bahagi ng patuloy na paghahanda ng Philippine National Police (PNP) sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Hulyo 25.

Kabilang sa pinuntahan ni De Leon ang Commonwealth Avenue, Batasan Road, at QCPD Station 6 na siyang nakakasakop sa House of Representatives.

Ipinaalala rin ni De Leon ang pag-iral ng gun ban sa Metro Manila ngayong araw na tatagal hanggang Hulyo 27.

Gayundin ang pag-activate sa Task Force Manila Shield kung saan mas maraming checkpoints ang nakalatag sa borders ng Metro Manila, lalo na sa Quezon City kung saan ihahatid ni Pangulong Marcos ang kanyang SONA sa Batasang Pambansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter