Ilang mga indibidwal, inilagay sa lookout bulletin kaugnay sa POGO

Ilang mga indibidwal, inilagay sa lookout bulletin kaugnay sa POGO

NASA lookout bulletin na ang ilang mga indibidwal na umano’y may kinalaman sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

Partikular na ang mga nasa listahan ay incorporators at corporate officers ng Lucky South 99 at Whirlwind Corporation na ni-raid sa Porac, Pampanga dahil sa posibleng paglabag sa anti-trafficking laws.

Sa inilabas ng Department of Justice (DOJ) nitong Martes, Agosto 6, kasama sa listahan sina Katherine Cassandra Li Ong, Atty. Harry Roque, Xiang Tan, at Jing Gu.

Maging sina Stephanie Mascarenas, Michael Bryce Mascarenas, Zhang Jie, Duanren Wu, Raymund Calleon Go, Randel Calleon Go, Dennis Cunanan, at Han Gao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble