Ilang negosyante at kompanya sa Pilipinas, kinilala sa Best Choice Awards

Ilang negosyante at kompanya sa Pilipinas, kinilala sa Best Choice Awards

SA mga nakalipas na panahon, patuloy ang pag-usbong ng iba’t ibang negosyo, serbisyo, at mga produkto na talaga namang proudly Pinoy.

Ito nga’y kahit pa binayo tayo ng matinding pandemya na sinasabayan pa ng iba’t ibang unos at kalamidad. Isali na nga rin natin ang walang humpay na taas-presyo ng mga pangunahing bilihin na talaga namang nagpapahirap sa mamamayang Pilipino.

Pero dahil tayo’y Pinoy, likas sa atin ang pagiging matatag o ‘yung sinasabing “resilience”

Mahilig din kasi tayong pumasok at sumubok ng iba’t ibang negosyo o mapagkakakitaan. At ang kainaman pa nga niyan, nakapagbibigay rin ito ng trabaho para sa maraming indibidwal.

Nito ngang Sabado ng gabi ay muli na namang nagtipon-tipon ang ilang negosyante mula sa iba’t ibang industriya sa Solano Hotel sa Lipa, Batangas para sa isang gabi ng parangal.

Kinilala ng Best Choice Awards ang mga kompanya at negosyanteng nagpakita ng husay sa pamamagitan ng kanilang mga de-kalidad na produkto at serbisyo.

“Very inspiring na kinikilala natin, tinataas natin ‘yung antas ng klase ng kompanya, ng negosyo ng Pilipino at propesyon ng mga Pilipino. Sa part nating mga negosyante, it’s very good that we have this avenue that we are able to share, inspiring each other with our stories,” ayon kay Wilfredo Lemque Jr., Chairman, Best Choice Awards Council.

“Maganda ang salaan ngayon and we are able to screen good companies and individuals as times goes by,” ayon pa kay Lemque.

Kabilang sa mga negosyong kinilala ay mula sa iba’t ibang industriya tulad ng accommodation, food and beverage, housing, at medical.

Ilan ding performing artists ang tumanggap ng parangal mula sa Best Choice Awards.

“Sobra po ako nagpapasalamat na sa maiksing panahon, two years pa lang po kami, kami ay masasabi naming nakikilala. At syempre sa bumubuo ng organization nito, sobra kaming nagpapasalamat at isa kami sa napili,” wika ni Charles Solano, CEO, Solano Hotel.

“This one is really incredible for us. This is awesome for us because this is the first time that we’ve been recognized by the Best Choice Committee for this 24th Awarding. We are so lucky enough, honored, humble, and of course grateful for this award of course we thank the Lord that’s foremost,” ayon naman kay Babes Espina, Owner, Pioneer Clinical Laboratory & Medical Clinic Inc.

“Malaking tulong. Hindi lang sa aming pagkatao kundi sa aming company. Nabo-boost ‘yung company namin. Nakilala. Dahil hindi lang kami ang nandito, maraming malalaking negosyante or big-time entrepreneur na kasama namin dito,” saad ni Jonnah Porta, President, Diamond Land Bright OPC.

“Gusto kong magpasalamat sa Best Choice Awards para po sa opportunity po para sa aming business,” para kay Babylyn Caniega, Owner, Babe’s Confections.

“’Yung kredibilidad po namin as cake maker mas mabo-boost siya dahil sa awarding na ito,” wika ni Babylyn Caniega, Owner, Babe’s Confections.

“Syempre nagpapasalamat ako sa Best Choice at napili din ‘yung management ko at ‘yung modeling agency ko din,” saad ni Joville Joy Reyes, CEO, Modero Talent Management.

“Mas malakas ang dating, syempre pag mayroon tayong awards at mayroon din tayong ipapakita na plakado sa lahat ng tao,” pahayag ni Joville Joy Reyes, CEO, Modero Talent Management.

“Nagpapasalamat po ang RK Rubber sa Best Choice Awards para po sa mga parangal na ibibigay po nila sa amin ngayong gabi,” ani Xevidy Cortez, COO, RK Rubber Enterprise Co.

“Magiging mataas naman po ang morale nung mga employees since naawardan kami po ‘yung company namin,” ayon naman kay Xevidy Cortez, COO, RK Rubber Enterprise Co.

“With this, maipagmamalaki pa namin sa aming kliyente especially kay Kuya Mike’s na nagpapa-franchise, mas lalong madadagdagan ‘yung trust ng tao or ng client namin. So ayun, napakalaking tulong ng Best Choice Awards sa company natin,” para kay Micheal Berso, Owner, Kuya Mike’s Pansit Bato.

“Ako po ay nagpapasalamat for recognizing me as a female performer. And syempre hindi po araw-araw na nabibigyan tayo ng award. And it’s a great opportunity to thank everyone who believed in me and supports me especially my family, my friends, my coach,” pahayag ni Arabelle Manalo dela Cruz, Artist.

May payo naman si Best Choice Awards Council Chairman Wilfredo Lemque Jr. para sa mga negosyanteng kinilala ng nasabing award-giving body.

“It’s not about business, it’s about showing us Filipinos what can we do, how can we give back to our community and our country and how can we give this back as Filipinos to the world itself.”

“To all the awardees and achievers of the Best Choice Awards 2023 – 2024, congratulations,” wika ni Lemque.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble