FPRRD, idinetalye kung paano nalaman na kasama umano sa drug list ng PDEA si PBBM

FPRRD, idinetalye kung paano nalaman na kasama umano sa drug list ng PDEA si PBBM

IDINETALYE ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung paano na kasama umano sa drug list ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) si President Ferdinand R. Marcos Jr.

May banat ulit si FPRRD sa issue ng umano’y paggamit ng ilegal na droga ni PBBM

‘‘Ako, Mayor pa ako. Malapit na talaga ako sa military—talagang malapit ako sa military. Mayroong mga military na na-assign sa PDEA. Ipinakita talaga sa aking ‘yung mga lumabas (nag-viral) na mga dokumento. Ako ang pinakaunang sibilyan na nakakita noon,’’ ayon kay Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

‘Yan ang rebelasyon ni FPRRD sa harap ng libu-libong tao sa Defend the Flag Peace Rally sa Tagum City.

Nakarating kay Duterte ang PDEA documents mula sa political vlogger na si Maharlika na viral ngayon sa internet.

Laman ng PDEA pre-operations report si Pangulong Marcos Jr. at isang kilalang babaeng artista na target ng isang anti-drug operations noong Marso 2012.

Senador noong mga panahong iyon si Marcos Jr. habang Davao Mayor si Duterte.

‘‘Mayor lang ako noon, at siya ay Senador,’’ pahayag pa ni Dating Pangulong Duterte.

‘‘Noong nag-presidente na ako, ‘yun pa rin ang pinakita nila sa akin. Sabi ko naman sa mga otoridad, trabaho lang. Kaya ‘yung kanilang pinagpaplanuhan—naudlot. Kasi ang plano ng PDEA, magsagawa sana ng raid sa condo unit ni Maricel Soriano. Doon man sila nagpo-polvoron,’’ paglalahad pa ng Dating Pangulo.

Sabi ng PDEA, peke ang mga dokumentong nag-viral sa social media.

Wala raw ganoong pre-ops sa kanilang Plans and Operations Reports Management Information System (PORMIS).

‘‘Malalaman mo ‘yung tao na laging mag, Meron nga ditong opisyal na minsan kahit umagang-umaga siguro… hindi na gumagalaw ang baba. Yan ‘yun at kung nakahalata kayo, laging tumutulo ang sipon,’’ dagdag pa ni Duterte.

Sa kaparehas na rally, nanawagan ang dating Executive Secretary at Chief of Staff ni Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez na magpa-drug test ang lahat ng mga taga-gobyerno.

Kasama na doon si Marcos Jr. pero hanggang ngayon, walang sagot ang Presidente sa hamong magpa-drug test ito.

‘‘I won’t even dignify the question,’’ ayon kay Pangulong Marcos Jr. sa tanong kung gumagamit ba ng ilegal na droga.

‘‘Kung ang ating mga sundalo tagapagtanggol, at ang ating mga pulis na siyang namamahala ng katahimikan at kapayapaan, ay sumailalim sa periodic drug test. Bakit kailangan exempted ang ating mga national leaders?’’ pahayag ni Atty. Vic Rodriguez, Dating Chief of Staff at ES ni PBBM.

Hangga’t walang malinaw na sagot sa isyu ng umano’y illegal drug use ni Pangulong Marcos Jr. ay hinding-hindi matatahimik ang taumbayan.

Lalo na kung isang dating Presidente na may access rin sa mga sensitibong report ang nagsasabing totoong gumagamit ng ilegal na droga ang kasalukuyang Pangulo.

‘‘Baw’an nimo ang ga-cocaine kay sige man na’g agas, sige na’g… for demonstration only, dili ko bangag ha,’’ ayon pa kay Dating Pangulong Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble