Ilang Pilipino sa Japan dumiretso sa embahada para bumoto sa kabila ng makabagong online voting system

Ilang Pilipino sa Japan dumiretso sa embahada para bumoto sa kabila ng makabagong online voting system

PERSONAL na nagtungo sa Embahada ng Pilipinas sa Roppongi, Tokyo ang ilan sa ating mga kababayan upang bumoto para sa mga kandidatong sa kanilang pananaw ay may tunay na layunin para sa pagbabago at kaunlaran ng Pilipinas.

Kahapon ngang bandang alas-4:00 ng hapon ay sinimulan na ng Board of Canvassers ang pre-canvassing of votes sa embahada.

Nasa humigit-kumulang 55,000 registered voters ang kabuuang bilang sa Japan — 10,491 mula sa Nagoya Prefecture, 11,038 mula sa Osaka Prefecture, at 33,895 naman mula sa Tokyo.

Masinsinang isinagawa ng mga tauhan ng embahada ang pag-set up ng mga kagamitan para sa canvassing of votes.

Sa pagtatapos ng online voting kahapon alas-7:00 ng gabi, agad namang sinimulan ang opisyal na canvassing makalipas ang isang oras.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble