MULING magpapatupad ng dagdag-presyo sa ilang produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis ngayong Martes, Oktubre 8.
Sa abiso ng kompanyang Shell Pilipinas, Petron, Seaoil, Jetti, at Caltex, piso at dalawampung-sentimo kada litro sa diesel habang pitumpung-sentimo sa kada litro ng kerosene ang itataas.
Wala namang magiging paggalaw sa presyo ng gasolina.
May kaparehong taas-presyo naman sa Diesel ang Clean Fuel, Petro Gazz at iba pang kompanya ng langis.
Epektibo ang naturang oil price adjustment kaninang alas-sais ng umaga maliban sa Cleanfuel na alas-kwatro uno ng hapon.
Noong nakaraang linggo, bahagya ring tumaas ang presyo ng produktong petrolyo.
Isa pa rin sa mga pangunahing sanhi ng pagtaas ng presyo ng langis ay ang patuloy na bakbakan sa Middle East at mataas na presyuhan sa world market.