Ilang residente ng Maynila, iniinda ang mataas na bilihin

Ilang residente ng Maynila, iniinda ang mataas na bilihin

BREAK muna sa usaping politika dahil nagbigay tulong ang mga Banateros sa ilang residente sa Maynila na iniinda ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin.

Hirap ang tricycle driver na si Mang Michael na pagkasyahin ang kaniyang kinikita kada araw para sa pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Wala umano kasing hinto ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngayon.

“Mahal din ang bilihin eh. Wala talaga eh. No choice. Bigas. Mga gulay. Mga karne. Mahal lahat ng bilihin. Hindi kasya ang kinikita,” ayon kay Michael Rimplarina, iniinda ang mataas na bilihin.

Ang iniinda ni Mang Michael ang siya ring hinaing ng iba pang mga residente ng Brgy. 321, Zone 32 sa Lungsod ng Maynila.

“Hirap na kasi maliit lang ‘yung sinisweldo ko, P6,000. Kulang pa. Magbabayad pa ako sa bahay. Ang taas ng kape, asukal, kuryente, tubig. Sobra. Tipid na tipid ka talaga,” ayon kay Yolanda Geli, iniinda ang mataas na bilihin.

“Mahirap. Syempre wala nang pera eh ang mga tao. Kaya mahirap talaga. Mahala talaga. Kakabili ko lang nga ng bigas eh, mahal eh,” ayon kay Celia Pedimente, iniinda ang mataas na bilihin.

Ilang residente ng Maynila, tumanggap ng grocery items mula sa mga Banateros at Eagles

Kaya naman answered prayer nga anila nang makatanggap sila ng balita na mabibiyayaan sila ng grocery items nitong araw ng Lunes.

Ramdam ang hirap na dinaranas ng ating mga kababayan, isang community outreach program ang isinagawa ng mga Banateros katuwang ang Mandaluyong Royal Skyline Eagles Club.

Break nga raw muna sila sa mga usaping politikal.

“Habang tayo po ay nagpapahinga dahil tayo po ay nakaseason break, tayo po muna ay magbibigay ng serbisyo sa ating community. So ang Banateros, ang SMNI, ay hindi lang po kami nagkokomento sa politika, tulad po nang nahawa po kami kay Pastor Quiboloy at KOJC na magbigay ng serbisyo sa ating society,” wika ni Banat By, Political Vlogger.

“Hindi lang tayo basta banat lang nang banat sa gobyerno. Kailangan magpakita rin tayo ng initiative na makatulong din tayo sa kapwa natin. Hindi naman kailangang malaki, maliit o malaki, isa lang naman din ang paningin ng taas niyan patungkol dito,” ayon kay Boss Dada, Political Vlogger.

“Andito po tayo ngayon sa Barangay 321, Zone 32, dito po sa Sta. Cruz, District 3 ng Maynila para magbigay po ng munting kasiyahan pompara sa ating mga kasamahan dito.”

“Tayo po ay nasisiyahan, nagagalak sa blessing na dumating sa mga araw na ito na ipamamahagi natin sa kanila,” wika ni Mocha Uson.

Bags na may lamang grocery items gaya ng bigas, canned goods, noodles, at iba pang bilihin ang tinanggap ng mga benepisyaryo.

“Namimigay tayo kasi ang hirap, ang taas na ng presyo ng mga bilihin. Eh maraming nangangailangan. Mas maganda share your blessings, ika nga di ba. So, kung mayroon tayong konti, ‘yung konti pwede mong paramihin eh. Ginawa iyan eh. Ilang isda at ilang tinapay, nagpakain ng 5000 plus. So ‘yung kakapiranggot na mayroon tayo, pamigay natin. Ang importante makatulong tayo sa iba na mas kapos kaysa sa atin,” saad ni Coach Oli, Political Vlogger.

“Napakalaking tulong nito lalong-lalo na sa ating mga kababayan na naghihirap. Kasi dito sa Maynila no, ‘yung mga iba na mga kababayan natin na nanggaling probinsiya ang trabaho nila dito ay isang kahig isang tuka. Tatrabahuin nila ngayong umaga, kakainin nila mamayang gabi. So kahit papaano itong pamimigay natin, malaking tulong ito,” ayon naman kay Master Judea, Political Vlogger.

“Ang commitment talaga ng Eagles sa community is community service. Talagang nabuo ‘yung grupo para gumawa ng community service, tumulong,” pahayag ni Luis Philip Tolentino, President, Mandaluyong Royal Skyline Eagles Club.

“Malaking bagay lalo na ‘yung mga nasa ibaba ng komunidad natin ngayon dahil alam naman natin lahat ng nagmamahal,” dagdag ni Tolentino.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga residente sa grocery items na kanilang tinanggap na anila’y malaking tulong para mairaos ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.

“Malaking tulong sa akin ito, sa pamilya ko. Kasi may bigas na ako eh. Hindi na ako bibili,” saad ni Michael Rimplarina, Benepisyaryo.

“Dalawa o tatlong araw, pwede na rin. Malaking tulong na rin,” ayon kay Yolanda Geli, Benepisyaryo.

“Malaking tulong syempre may bigas, may delata,” ayon naman kay Celia Pedimente, Benepisyaryo.

Tiniyak naman ng mga Banateros na hindi rito natatapos ang mga tulong na ibibigay nila sa mga nangangailangang komunidad partikular na sa Metro Manila.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble