Ilang vulnerable sectors, nahihirapan na sa pagbili ng murang bigas sa Kadiwa

Ilang vulnerable sectors, nahihirapan na sa pagbili ng murang bigas sa Kadiwa

MALA-blockbuster sa haba ng pila ng tao sa Kadiwa store sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA).

Karamihan sa mga vulnerable sector ay pumila na ng umaga – pero late nagbukas ang Kadiwa na malaking abala.

Imbes kasi na makapasok pa sa kanilang mga trabaho, absent sila dahil sa pagpila nila ng matagal sa Kadiwa.

Bukod pa riyan, hindi ka maaaring makabili ng P29 na bigas kung wala kang maipapakitang identificard card.

ID para sa matatanda, may kapansanan, 4Ps beneficiary at solo parents.

Authorization letter pa kung ikaw ay may dala dalang ibang ID ng iyong kamag-anak na hindi personal na makakabili.

Hirit nila, bigyan man lang sila ng konsiderasyon dahil tatlong kilong bigas lang naman ang maaari nilang mabili.

“Sana itong kahit limang kilo lang hindi ‘yung tag 3 kilo lang kasi kahit limang kilo ayos na ‘yun,” ayon kay Ching Baldosa, mamimili.

Umalma rin ang isang senior citizen dahil bukod sa masakit ang likod sa katatayo ay kailangang pang dumaan sa mala-eleksyon na proseso.

Kailangan pa kasing ilista ang ‘yung pangalan, hihingian ng ID at authorization letter kung dalawa o higit ang dala.

Lalagyan ng tinta ang ‘yung daliri o thumb mark ink na palatandaan daw na ikaw ay nakabili na ng bigas.

Paliwanang naman ni Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa, pina-plantsa na ang guidelines para sa bigas 29 na ngayon ay Programang 29 na ilalabas ngayong linggo.

 “Lahat ng nai-experience dito sa mga trial period na ito nage-evolve at natututo ang Department and eventually lahat ng experiences ay ilalagay ano ‘yung pinakamaganda para sa mas epektibong programa,” ayon naman kay Asec. Arnel de Mesa, Spokesperson, DA.

Mas magiging malawak din aniya ang makakabili ng murang bigas hindi lamang ang mga vulnerable sector.

Hindi lang din bigas ang maaaring mabili sa naturang programa maging ang iba’t ibang agricultural commodity.

Tiniyak ni De Mesa, maiiwasan na umano ang mga insidente na bumibili nang paulit-ulit at ibebenta ang bigas.

“Sasabihin namin kung kailangan ‘yung ganitong grupo saan at etc. May solusyon na mas madali para sa kanila at tsaka mayroong mas magandang programa kaakibat. Ito kasi ay hindi lang bigas,” dagdag pa ni De Mesa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble