Ilocos Norte nakatanggap ng PPEs, oxygen concentrator mula China

Ilocos Norte nakatanggap ng PPEs, oxygen concentrator mula China

NAKATANGGAP ngayong araw ang Municipal City ng Laoag, Ilocos Norte ng 4 na oxygen concentrator at 1,500 pirasong Personal Protective Equipment (PPEs) pati na N95 face mask.

Ayon kay Michael Pe Benito ng Provincial Resiliency Office na tumanggap ng donasyon, hindi na aniya mabilang kung pang-ilang batch ng donasyon galing kay Chinese Consulate Zhou Youbin ng the People’s Republic of China sa Laoag na isa sa kaalyansa ng Ilocos Norte sa pagsugpo sa COVID-19.

“We are grateful for the Chinese government for assisting us with our needs in this time of pandemic,” ani Pe Benito.

Simula nakaraang taon pa aniya ang pag-aabot ng tulong ng Chinese government at iba’t- ibang Chinese Community sa Ilocos norte.

“The People of Northern Luzon in the Philippines have always been a friend to China since the time of former President Ferdinand E. Marcos.” ani Consul Youbin

Buo ang suporta ng Chinese government sa lungsod kung saan ay patuloy pa rin sila sa pagbibigay ng mga relief goods, PPEs at ilang mga chinese medicines.

Samantala, nagpaabot ng pasasalamat si Ilocos Norte Governor Matthew Joseph Manotoc sa walang humpay na donasyon ng The People’s Republic ng China ng agarang materyal na kinakailangan ng lungsod.

 

 

SMNI NEWS