HININTO na ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyonn nito sa umano’y human smuggling sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Mula dito ay ipinaalala ni Senator Francis Tolentino sa Bureau of Immigration (BI) na maging ‘consistent’ sa kanilang pagpapatupad ng mga polisiya.
Para sa Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) ay sinabi ng senador na makipag-usap sa kanila at linawin ang kanilang responsibilidad hinggil sa kung sino ang magbibigay ng panghuling permiso para makaalis ang isang pampribadong eroplano.
Hindi ani Tolentino malinaw kung ang police exit clearance ba o ang clearance mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).