Impeachment trial vs. VP Sara, kailang paghandaan muna ng Senado ─geopolitical analyst

Impeachment trial vs. VP Sara, kailang paghandaan muna ng Senado ─geopolitical analyst

NANINIWALA ang isang geopolitical analyst na kailangan ang mabusising paghahanda ng mga senador bago simulan ang impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.

“Napakahalaga na malaman nila ang Rules of Court. So hindi po pwedeng basta bastang magsimula iyan e seminar muna ang mga senatorial judges sa rules of court sa bill of rights napakahalaga At rules of procedure in impeachment cases at magpapatahi pa ang mga robes nila as senator judges. Maraming preparation ang judicial affidavits of witnesses,” ayon kay Prof. Mario Ferdinand Pasion Geopolitical & Economic Risk Consultant.

Ito ang naging opinyon ng geopolitical at economic risk consultant na si Prof. Mario Ferdinand Pasion sa mga senador sa usapin ng paglilitis sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Ani Pasion, dapat munang siguraduhin ng mga senador na nakahanda talaga ang mga ito sa gagawing paglilitis.

“Unahin muna nila ang mga preparasyon sa impeachment katulad ng mga preparation ng mga judicial activities witnesses kesa mag convene na agad pagkatapos wala pang judicial affidavit ang witnesses tapos hindi pa prepared yung ating mga senatorial judges. Kasi sa totoo lang marami diyan hindi abogado hindi abogada,” saad ni Pasion.

Naniniwala rin si Pasion na posibleng magkaroon ng seminar ang mga senador kung saan tuturuan ito ng mga batikang abogado kung papaano maglatag ng mga ebidensya bilang bahagi ng rules of court.

Sinang-ayunan naman nito ang mga plano ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na sa Hunyo a-2 na ico-convene ang Senado bilang impeachment Court.

Dagdag pa ni Pasion, kapag na-convene na ang Senado bilang impeachment court ay hindi na ito maibabalik sa dati.

Kung maaalala noong Pebrero a-20 ay naglabas ng kautusan ang Senado sa kanilang mga opisina upang bumuo ng administrative support group para sa impeachment court.

Habang Pebrero a-27 ay nagpadala na ng liham si Escudero kay Vice President Sara Duterte at House Speaker Martin Romualdez bilang paghahanda sa nalalapit na impeachment trial.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble