HINDI na ikinagulat Prof. Froilan Calilung na isang political analyst ang isyu ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Prof. Calilung, maaaring isang estratehiya ng kasalukuyang administrasyon ang impeachment upang tuluyang hadlangan ang pangalawang pangulo sa pagtakbo muli at paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno sa 2028 elections.
Ito ay dahil aniya sa kaniyang potensiyal na impluwensiya sa mga botante at ang matataas niyang numero sa mga pre-election surveys.
“So the impeachment is actually a way to perpetually ban her from running and participating in any government function, and I think this is also a way by which was the current administration would want to silence the Duterte camp and in order for them to become a minority opposition,” pahayag ni Prof. Froilan Calilung, Political Analyst.
Kinuwestiyon naman ni Calilung kung ano nga ba talaga ang dahilan ng ilang mambabatas sa pagpabor at pagpirma sa impeachment laban kay VP Sara.
Sa halip aniya kasi na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang alamin ang puno’t dulo ng kanilang mga alegasyon, tila inuuna pa nila ang pansariling kapakanan.
“Ano ba talaga ang dahilan kung bakit sila pumirma, ano ba talaga ang rason behind this. Is it because of motivation behind the additional monetary incentives, kasi kung ganun ‘yung magiging batayan ng pagpirma, ibig sabihin maliwanag walang prinsipyo,” ayon pa kay Calilung.
Sinang-ayunan din ni Calilung ang pananaw ng publiko na ang impeachment laban kay VP Sara, pati na rin ang mga kaso laban sa kaniyang ama na si dating pangulong Rodrigo Duterte, ay isang panakip-butas lamang ng kasalukuyang administrasyon upang mailihis ang atensiyon ng taumbayan mula sa mas mahahalagang isyu, gaya ng 2025 bicam report.
Dagdag pa niya, bahagi rin ng political machinery ng administrasyong Marcos Jr., ang pagbibigay ng mas maraming ayuda sa publiko upang patahimikin sila at pigilan ang anumang pagbatikos laban sa pamahalaan.
“Tama po ‘yun, and siympre they would want to really capitalize on whatever resources that they have. This is a part of their political machinery to begin with na magbigay talaga ng mas maraming ayuda in order to silence ‘yung ating mga kababayan. I really don’t know up to what extent this ayuda will be helpful doon sa kanilang agenda, because darating din naman ‘yung pagkakataon na ‘yung kamulatan ng ating mga kababayan that inspite of these ayuda na ibinibigay nila ay pipili’t-pili pa rin sila ng naaayon,” paliwanag nito.
Samantala, binigyang-diin din ni Calilung na tila nagiging “kiss of death” ang pag-endorso ng kasalukuyang administrasyon sa kanilang mga kandidato sa nalalapit na halalan.
“’Yun nga binabanggit din natin madalas na maaaring ‘yung endorsement ng pangulo sa kanila maybe regarded as a kiss of death, na kung saan na instead na makatulong baka lalong makasama doon sa kanilang mga senatorial bet, because let’s face it medyo unpopular naman talaga ‘yung current administration, may mga problema sila regarding the reform agenda, may mga problema sila sa pagpapababa ng mga presyo ng mga bilihin lalong-lalo na ngayon na pataas ng pataas ang presyo karneng baboy. And all of these things actually are gut issues that I think that administration failed to resolve in the past 3 years,” pagbibigay-diin ni Calilung.
Follow SMNI News on Rumble