IPINAGBABAWAL na muna ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng domestic at wild birds at poultry products mula sa Maryland at Missouri sa Estados Unidos.
Ito’y dahil nagkaroon ng bird flu outbreak doon.
Epektibo ang import ban sa pamamagitan ng Memorandum Order No. 7 na inilabas ng ahensiya.
Dahil sa importation ban, suspendido rin ang pagpapalabas ng sanitary at phytosanitary import clearances para sa mga nabanggit na produkto.