Income ng mga Pilipinong magsasaka, tumaas ng 20%—World Bank

Income ng mga Pilipinong magsasaka, tumaas ng 20%—World Bank

TUMAAS ng 20 percent ang income ng mga Pilipinong magsasaka.

Sa pahayag ng World Bank, resulta ito sa mga ipinapatupad na mga proyekto sa ilalim ng Philippine Rural Development Project.

Anila, lubos nilang nakita ang resulta sa Mindanao at Visayas.

Ang mga proyekto na tinutukoy ay ang pinondohan ng World Bank sa pamamagitan ng 600 million dollars na loan na nagsimula pa noong taong 2014 at magtatapos sa Hulyo 31, 2025.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter