Incumbent governor ng Legazpi Albay, dinisqualify ng COMELEC

Incumbent governor ng Legazpi Albay, dinisqualify ng COMELEC

PINAAALIS ng Commission on Elections (COMELEC) bilang gobernador ng Albay si Noel Rosal matapos mapatunayang ginamit nito ang pondo ng gobyerno sa panahon ng kampanya.

Sa desisyon ng COMELEC ay idineklarang disqualified si Gov. Rosal matapos isampa ang reklamo laban sa kanya.

Si Rosal ay incumbent Mayor ng Legazpi City Albay bago nanalong gobernador nitong nakaraang 2022 election.

Base sa reklamo ng isang Joseph San Juan Armogila, namahagi umano si Rosal ng cash assistance sa mga tricycle drivers noong Abril kung saan kasagsagan ng kampanya at siya ay kandidato noon bilang gobernador.

Iginiit ng COMELEC na pasok sa 45 days election spending ban ang ginawa ng gobernador kung kaya’t hindi ito karapat-dapat na mahalal bilang pinuno ng Albay.

Follow SMNI NEWS in Twitter