INIHAYAG ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na binibilisan na nito ang konstruksyon sa dalawang flyover projects sa Iloilo City.
Ito ay para mapaunlad ang land travel ng mga motorista at maibsan ang traffic congestion doon.
Ang isang flyover project ay itinatayo sa Barangay Jibao-an, Mandurriao para maibsan ang traffic congestion sa bayan ng Pavia at San Miguel patungo sa Metro Iloilo.
Ito ay may P591.2 million allocation.
Habang ang isang fylover ay itinatayo naman sa Barangay Buhang Jaro sa may Circumferential Road-1 patawid ng Iloilo-Capiz Road na may 520-M allocation.
Ayon sa DPWH, 80 percent completed na ang Jibao-an at 81 percent naman ang Buhang Jaro Flyover.
