India nahaharap sa matinding panganib dala ng mainit na panahon

India nahaharap sa matinding panganib dala ng mainit na panahon

NAHAHARAP sa matinding panganib dala ng mainit na panahon ang halos 60 percent ng mga distrito sa India.

Batay ito sa ulat ng Council on Energy, Environment and Water, isang think tank na naka-base sa New Delhi.

Lumabas naman ang pag-aaral habang patuloy na nararanasan sa ilang bahagi ng hilagang India ang heatwave at matinding heatwave conditions.

Noong nakaraang taon, mula Marso 1 hanggang Hunyo 18, 2024, mahigit 40K na kaso ng hinihinalaang heatstroke at hindi bababa sa 110 na kumpirmadong pagkamatay ang naitala sa India.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble