Indian community, nagsampa ng kasong kidnapping at extortion laban sa ilang BI officers sa Pasay

Indian community, nagsampa ng kasong kidnapping at extortion laban sa ilang BI officers sa Pasay

NASA higit 20 miyembro ng Indian community mula Iloilo at Antique ang nagtungo araw ng Lunes sa Pasay Prosecutors Office.

Ayon kay Atty. Boy Magpantay, kasong kidnapping at extortion ang kanilang isinampa laban sa 13 Immigration officer.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Magpantay na ikinulong ang mga biktima ng higit isang linggo at dinala sa Camp Bagong Diwa.

Pinabulaanan naman ng abogado na mga “undocumented alien” ang mga kinidnap na Indian nationals.

Dagdag pa ni Atty. Magpantay, nagkaroon ng bargaining o tawaran sa hinihinging pera bawat ulo. Mula isang milyong piso ay ibinaba ito sa 350,000 bawat isa.

Matatandaan na noong Pebrero ng taong kasalukuyan ay hindi bababa sa 16 Indian nationals ang inaresto ng Intelligence Operatives ng BI sa mga lalawigan ng Iloilo at Antique.

Base sa report, mga undocumented alien umano at nagtra-trabaho ang mga ito sa bansa nang walang kaukulang papeles.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble