Indian nationals sa Pilipinas, ipinagdiwang ang kanilang ika-74 Republic Day

Indian nationals sa Pilipinas, ipinagdiwang ang kanilang ika-74 Republic Day

IPINASILIP ng Indian Embassy sa Pilipinas ang kanilang selebrasyon ng ika-74 Republic Day.

Tuwing Enero 26 ay ginugunita ng bansang India ang kanilang Republic Day.

Ito ay isa sa 3 mahahalagang holidays ng mga taga-India maliban pa sa Independence Day tuwing August 15 at Gandhi Jayanti tuwing October 2.

Sa India, isa itong espesyal na araw kung saan binibigyang halaga ang panimula ng pagkakaroon ng bisa ng kanilang konstitusyon matapos itong lumaya sa pananakop ng Britanya.

Ang konstitusyon ng India ay itinuturing na pinakamahabang konstitusyon sa buong mundo dahil inabot pa ng isang taon bago ito maisakatuparan kahit pa naipasa na ito ng kanilang constituent assembly at sumailalim sa nasa 2,000 pag-amyenda.

Tuwing Republic Day sa India ay malawakan ang kanilang selebrasyon kung saan nagpapakitang gilas ang kanilang sandatahang lakas sa pamamagitan ng engrandeng parada.

Sa Maynila, hindi pinalampas ng Indian Embassy na ipagdiriwang ang Republic Day sa pangunguna ni Indian Ambassador to the Philippines Shambu Kumaran.

Dinaluhan ng mga Indian national na nasa Maynila ang selebrasyon.

Kahit nasaan man panig ng mundo ay hindi palalampasin ng mga Indian na gunitain ang Republic Day.

 “Well it’s a reaffirmation India’s fundamental…land of democracy…in the heart of every Indian,” pahayag ni H.E. Shambhu S. Kumaran, Indian Ambassador to the Philippines.

Taong 1949 nang magsimula ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at bansang India at magpahanggang ngayon ay napapanatili ng dalawang bansa ang magandang relasyon nito.

Sa katunayan, patuloy ang pananatili ng maraming Indian national sa bansa.

Ayon sa Embahada ng India sa Pilipinas, tinatayang nasa 150,000 ang bilang ng mga Indian na naninirahan sa Pilipinas.

Karamihan sa kanila ay mga estudyante at negosyanteng masayang namumuhay sa Pilipinas

“They are extremely happy they feel very welcome here working actively..adding value to themselves..bilateral relationships,” dagdag ng Ambassador.

 


Follow SMNI NEWS in Twitter