Indonesia, mayroong panibagong sovereign wealth fund

Indonesia, mayroong panibagong sovereign wealth fund

INANUNSYO ng Indonesia na mayroon silang panibagong sovereign wealth fund na naglalayong pamamahalaan ang mga ari-arian ng estado na nagkakahalaga ng mahigit 900 billion dollars.

Bahagi na rin ito sa hinahangad ni Indonesian President Prabowo Subianto na pabilisin ang paglago ng kanilang bansa.

Nitong Lunes, February 24, 2025 nilagdaan ni Prabowo ang dokumento para sa panibagong sovereign wealth fund na Daya Anagata Nusantara (DANANTARA).

Hanggang taong 2023 ay nasa 637.5 billion pesos pa ang state-owned enterprise assets ng Indonesia.

Bahagyang mababa ito kumpara sa target ni Prabowo para sa kanyang inilunsad na panibagong wealth fund.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble