Infrastructure Flagship Projects ng administrasyon, sentro sa NEDA board meeting sa Malakanyang

Infrastructure Flagship Projects ng administrasyon, sentro sa NEDA board meeting sa Malakanyang

SENTRO sa National Economic and Development Authority (NEDA) board meeting sa Malacanyang ang Infrastructure Flagship Project ng administrasyon.

Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa NEDA Board upang talakayin ang mga update sa progreso ng mga proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang 8th NEDA Board Meeting sa Malacañang Palace nitong Agosto 23.

Iprinisenta kay Pangulong Marcos sa meeting ang mga update sa Infrastructure Flagship Projects (IFPs) ng administrasyon.

Sa press briefing sa Malakanyang, ibinahagi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang ulat ng NEDA Board Committee on Infrastructure (INFRACOM) sa ginanap na pulong.

Saad ng kalihim, 71 ang ongoing projects na nagkakahalaga ng P4.11-T nitong Hulyo 2023, mula sa 68 projects na nai-report noong unang kuwarter ng taon.

Kabilang sa tatlong mga proyekto na nadagdag dito ang Metro Cebu Expressway, ang Nautical Highway Network Improvement at ang Daang Maharlika Improvement Projects.

“The Department of Public Works and Highways are implementing these connectivity and transportation infrastructure projects which aim to provide—or to improve connectivity across the country,” ayon kay Sec. Arsenio Balisacan, NEDA.

Idinagdag pa ni Balisacan na sa natitirang 123 IFPs, 27 ang naaprubahan para sa implementasyon, 8 ang naghihintay ng government approval, 52 ang nasa yugto ng project preparation habang 36 ang nasa ilalim ng pre-project preparation phase.

Base ito sa tala nitong Hulyo 2023.

Bukod dito, kinumpirma rin ng NEDA ang revised guidelines para sa formulation, prioritization at monitoring sa mga IFPs ng gobyerno partikular sa mga proyektong inaprubahan ng Investment Coordination Committee (ICC) at kinumpirma ng NEDA Board.

Kasunod ng binagong mga alituntunin, inaprubahan ng NEDA na isama ang tatlo pang proyekto sa ilalim ng listahan ng mga IFPs.

Ang mga proyektong ito ay ang Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) Extension Project, Philippine Rural Development Project Scale-up, at Upgrade Expansion, Operation and Maintenance ng Laguindingan International Airport Project sa Misamis Oriental.

Inihayag ni Balisacan na ang mga proyektong ito ay ipra-prayoridad sa annual budget preparation.

 “With their inclusion on the list, these projects will be prioritized in the government’s annual budget preparation and will benefit from the expedited issuance of application permits and licenses in accordance with current legal frameworks,” dagdag ni Balisacan.

Malaking kontribusyon aniya ito ng napapanahong pagpapatupad ng mga naturang proyekto at ganap na pagsasakatuparan ng kanilang economic returns.

“This is a significant contribution of the timely implementation of these projects and fully realizing their economic returns as this will help the government avoid the possibility of increasing cost and financing charges due to delays,” ani Balisacan.

Marcos admin, determinadong makabuo ng high-quality jobs kasabay ng implementasyon ng high-impact infra projects

Samantala, binigyang-diin ni Balisacan na nananatiling determinado ang administrasyong Marcos sa pangako nito na lumikha ng mas maraming trabaho.

Pursigido rin ang pamahalaan na palakasin ang koneksiyon at mapadali ang pamumuhunan habang isinasagawa rito ang mahusay na pagpapatupad ng high-impact infrastructure projects.

“By ensuring the efficient implementation of high-impact infrastructure projects, the Marcos administration aims to get the job done.  We will enhance connectivity, reduce the cost of doing business, promote the creation of high-quality jobs, and ultimately reduce poverty sustainably to improve the lives of every Filipino,” aniya.

Kabilang din sa naging agenda sa NEDA Board Meeting ang pag-apruba sa dagdag-pondo at pagbabago ng saklaw at implementation period ng Flood Risk Management Project para sa Cagayan de Oro River.

Kasabay rito ay ang pag-apruba rin ng pagkakaloob ng anim na fire truck para sa Marawi City sa pamamagitan ng Official Development Assistance (ODA) grant na nagkakahalaga ng P72.5-M mula sa China.

Ang inisyatiba na ito ay naaayon sa Bangon Marawi Rehabilitation and Recovery program, na nakatuon sa pagpapasigla sa mga lugar na apektado ng 2017 Marawi siege.

Kinumpirma naman ni Pangulong Marcos na siyang NEDA Board Chair, ang pag-apruba sa mga rekwes na nakabalangkas sa mga nabanggit na agenda.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble