Innovative interior construction, wagi sa trade exhibit ng Philconstruction Visayas

Innovative interior construction, wagi sa trade exhibit ng Philconstruction Visayas

WAGI sa trade exhibit ng Philconstruction Visayas ang Innovative interior construction.

Elegante, class ang dating, halatang de-kalidad, sadyang kapansin-pansin ang booth ng Magna CMGN Solution.

Bukod sa takaw-pansin ay kakaiba rin ito kumpara sa 200 booth na kalahok sa trade exhibit ng Philconstruct Visayas dahil sila lang ang kilalang supplier ng mga innovative interior construction material sa Pilipinas.

Kagaya ng de-kalidad na pre-finished ceilings, floor finishes, at mga materyales para sa pagbuo ng cabinets, mesa at marami pang iba.

Kasabay ng iba pang mga exhibitor sa Philconstruct Visayas ang napakaraming kilalang local at international brands na nagtampok ng iba’t ibang produkto para sa industriya ng konstruksiyon.

Ang Philconstruct ay ang pinaka malaking construction exhibit sa Visayas at Mindanao.

Malaking tulong ito sa kinakaharap na hamon ng industriya lalo na ang kawalan ng manpower at dahil sa exhibit na ito, makatutulong ang mga bagong teknolohiya, tools, at iba pang mga kinakailangan upang masolusyonan ang pangangailangan sa manpower.

Isa lang ang Magna sa mga design company na maaasahan ng mga architect na solusyon sa kanilang mga proyekto, mapa-hotel, restaurants, hospitals, maging sa mga house renovation.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble