Inspeksiyon sa mga tindahan ng police at military uniforms, paiigtingin pa ng PNP

Inspeksiyon sa mga tindahan ng police at military uniforms, paiigtingin pa ng PNP

NAGBIGAY direktiba ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga tauhan nito sa pag-monitor at inspeksiyon sa mga tindahan ng police at military uniforms sa bansa.

Ito’y matapos masangkot ang anim na suspek sa panloloob sa isang sanglaan sa Koronadal City nitong nakaraang linggo.

Nakita sa CCTV footage ang dalawa mula sa anim na suspek na nakasuot ng PNP uniform nang nilooban ang pawnshop.

Ayon sa PNP, ang sinumang mapatutunayang ilegal na gumagamit ng PNP uniform, ay tiyak na mahaharap sa pagmumulta at pagkakulong ng hanggang 10 taon.

Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa Anti Cybercrime Unit nito para sa mabilis na pagtukoy sa bogus sellers at suppliers ng PNP uniforms na posibleng nagagamit sa mga ilegal na aktibidad.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter