NAKIPAGPULONG si Mayor Joy Belmonte kina Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Atty. Don Artes at Government Service Insurance System (GSIS) President and General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso para talakayin ang planong pagtatayo ng integrated terminal malapit sa Quezon City Memorial Circle (QCMC).
Inaasahang mas magiging magaan at madali ang biyahe ng mga commuter kapag naitayo ang nasabing transport hub.
Ayon sa alkalde, layunin ng pagpapatayo ng terminal ay sa patuloy ang pagdami ng mga pasahero o mananakay ng lungsod.