MAGSISIMULA na sa buwan ng Hulyo ang pagbibigay ng PhilHealth ng libreng mammograms at ultrasound.
Tugon ito ni PhilHealth President at Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr. Sa maraming panawagan kaugnay dito lalong-lalo na ngayong National Women’s Month.
Inanunsyo na rin ng state health insurer na magiging 50% na mula sa 30% ang kanilang coverage benefits.
Halimbawa dito ang breast cancer benefit package na mahigit 1 million pesos na.