HINIKAYAT ng Iran ang South Korea na i-release na ang frozen assets nito at binatikos ang bansa dahil sa kawalan nito ng kooperasyon sa pagbabayad ng mga utang nito.
Ayon sa Iran Foreign Ministry, ang gobyerno ng South Korea ay may responsibilidad na panatilihin ang ligal na karapatan ng Iran at bayaran ang mga utang nito na walang kondisyon.
Ito ay naiulat sa official news agency ng Iran na tinatawag na IRNA sa weekly press conference roon. frozen assets
Tinataya naman na ang Iran ay may pondo na higit 7 bilyong dolyar sa dalawang South Korean banks na hanggang ngayon ay hindi ma-access ng bansa dahil ang mga bangko at awtoridad ng South Korea ay tumanggi na iproseso ito dahil sa pangamba ng posibleng multa mula sa Estados Unidos.
Matatandaan na ang South Korea ang isa sa pinakamalaking kustomer ng crude oil ng Iran bago pa ang taong 2018 kung saan ang Washington ay umalis sa 2015 nuclear deal sa pagitan ng Iran at nagpatupad ng sanctions sa Tehran.
Sa ngayon, ang South Korea ay tumanggi na ilabas ang karamihan sa asset ng Iran na na-frozen sa mga bangko nito kabilang na ang hindi kasali sa sanctions ng Estados Unidos.