Panibagong batch na mga distressed OFW galing Kuwait, dumating na sa bansa

Panibagong batch na mga distressed OFW galing Kuwait, dumating na sa bansa

DUMATING na sa bansa ang panibagong batch na mga distressed overseas Filpino workers (OFWs) galing Kuwait.

Ang ikatlong batch na mga repatriated OFWs ay lulan ng Gulf Air Flight GF154.

Sinalubong ng Overseas Workers Welfare Administration Administrator (OWWA) airport team at ng mga opisyal ang nasa 64 OFWs sa NAIA Terminal 1.

Matatandaan, una nang dumating ang 40 repatriated OFWs noong Enero 17 kasama si Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Hans Leo J. Cacdac.

Sumunod naman na dumating ang 102 na OFWs kasama si OWWA Admin Arnell Ignacio noong Biyernes, Enero 20.

Follow SMNI NEWS in Twitter