Isa pang safe house ng mga pulis sa P6.7-B halaga ng shabu, natuklasan

Isa pang safe house ng mga pulis sa P6.7-B halaga ng shabu, natuklasan

BUKOD sa Maynila, isa pang safe house ng mga itinuturong sangkot na mga pulis ang pinagtataguan sa halos isang toneladang shabu na nasabat noon sa Maynila.

Ito ang kinumpirma ni NAPOLCOM Executive Director Atty. Alberto Bernardo sa isang media briefing araw ng Martes Hunyo 13, 2023.

Bagamat bigo pa nitong pinangalanan ang lugar o lungsod na matatagpuan lamang sa Metro Manila.

Ayon kay Bernardo, isang malakas na ebidensiya ito laban sa mga police suspects na isinasangkot sa kontrobersiyal na anti-drugs operations sa Maynila noong Oktubre 2022.

Matatandaang, tuluyan nang kinasuhan ng kriminal sa Ombudsman ang 12 police commissioned officers at 38 police non- commissioned officers na natukoy ng mga imbestigador sa mga kopya ng CCTV footage kung saan isinagawa ang nasabing buy-bust operation.

Isa sa mga tinutukoy na sangkot sa 990 kg shabu haul ang noo’y top 3 man ng PNP na si PLtGen. Benjamin Santos at dating PDeg. Director PBGen. Narciso Domingo.

Sa kabilang banda, may karapatan pa ring ipagtanggol ng mga akusado ang kanilang mga sarili at patunayang hindi sila ang nasa video na hawak ngayon ng mga awtoridad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter