BUMALIKTAD ang isa sa 11 suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Kinilala ang bumaliktad na suspek na si Osmundo Rivero, isang taxi driver at dating sundalo mula sa Zamboanga City.
Ayon sa abogado ni Rivero na si Atty. Harold Montalbo, binawi lahat ng suspek ang nakasaad sa kaniyang tatlong affidavit.
Isinagawa ang Sworn Affidavit of Recantation nitong Lunes, Mayo 22 sa tanggapan ng –.
Hindi naman idinetalye pa ni Montalbo kung anong partikular na salaysay ang binawi ni Rivero pero inihayag nito na hindi kasama ang kanyang kliyente sa nagplano at umatake noong Marso 4 na ikinasawi ni Degamo at ng 9 na iba pa.