Isabela State University, inaksyonan ang sistema ng recruitment ng CPP-NPA-NDF

Isabela State University, inaksyonan ang sistema ng recruitment ng CPP-NPA-NDF

INAKSYONAN ang sistema ng recruitment ng CPP-NPA-NDF sa Isabela State University.

Matapos ang ginawang aksiyon ng Kalinga State University (KSU) na ipatanggal ang mga Libro ng National Democratic Front (NDF) ay sinundan din ito ng Isabela State University (ISU).

Naging magandang halimbawa ang ginawang hakbang ng Kalinga State University na kung saan ito’y ginaya na rin ng Isabela State University na inaasahang masusundan pa ng marami pang paaralan.

Ipinatanggal ng Isabela State University (ISU) kahapon ang 23 na mga manwal ng National Democratic Front (NDF) mula sa silid-aklatan ng pangunahing campus ng ISU.

Sinabi ng pangulo ng ISU na si Ricmar Aquino sa Philippine News Agency kahapon na pinayuhan niya kaagad ang lahat ng mga librarians ng iba`t ibang mga campus ng ISU na tangggalin ang lahat ng mga libro na nag tuturo ng mga aral ng komunismo at iba pang gaya ng pagtuturo laban sa konstitusyon.

Ang nasabing paaralan ay mayroong 11 campus sa lalawigan, na matatagpuan sa Cabagan, Ilagan, Roxas, Jones, Cauayan at San Mateo.

Sa isang turnover ceremony, ibinigay ni Aquino ang nasabing mga libro kay Dennis Godfrey Gammad, Regional director ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at pinuno ng cluster ng Situational Awcious and Knowledge Management Cluster ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC).

“ISU supports the government program’s ‘whole of nation approach’. ISU as an academic institution, has its mandate to protect the Filipino youth and ensure their future by providing them quality and relevant education. Our students should not, therefore, be exposed to anything that will destroy their future,”ayon kay Aquino.

Ang desisyon ng ISU sa pag papatanggal ng nasabing libro ay bahagi sa kapamaraanan para ma proteksiyunan ang unibersidad at mga estudyante nito laban sa banta ng komunismo.

“Part of the commitment to protect the university and students from possible threat and harm that the communists can impose,”dagdag nito.

Sinabi ng military na ang ginawa ng ISU ay makakapagligtas sa kabataan mula sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-NDF sa  recruitment ng CPP-NPA-NDF sa mga eskwelahan.

“The action of the officials and leadership of the ISU indicates that they are against the CPP-NPA-NDF ideologies and to safeguard the institution from communist infiltration. This also shows the commitment of the different government agencies particularly the academe in support to EO (Executive Order) 70/NTF-ELCAC to put an end to the communist insurgency in the region,”ayon kay Brig. Gen. Danilo Benavidez of the Army’s 501st Infantry Brigade.

Dagdag pa ni Aquino, ang ceremonial turnover ng NDF handbook ay marka ng pakikipag isa ng NTF-ELCAC sa mga Colleges at Universities sa ilalim ng whole of nation approach bilang proteksiyon sa mga kabataan at mag aaral sa mga panlilinlang ng recruitment ng CPP-NPA-NDF.

Kahapon ay ginunita ang martial law kung saan unti-unti nang lumilinaw ang lahat na mga aksiyon na ginagawa ng mga unibersidad na naka tulong din dahil ito’y parte ng EO 70 na tutulong para tuluyan nang wakasan itong insurhensiya sa bansa.

SMNI NEWS