Isang kongresista, isinusulong ang karagdagang hemodialysis units sa mga pampublikong ospital

Isang kongresista, isinusulong ang karagdagang hemodialysis units sa mga pampublikong ospital

DAGDAGAN na ang outpatient hemodialysis units sa mga pampublikong ospital.

Panawagan ito ngayon ni Quezon City Rep. Marvin Rillo kasabay ang pagdiriwang ng National Kidney Month ngayong Hunyo.

Kasunod na rin ang nasabing panawagan sa tumataas ng bilang ng mga Pilipinong nagkakasakit sa bato.

Isa aniya ang chronic kidney disease sa pangunahing sakit at sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas kaya kinakailangan ng malaking Health Facilities Enhancement Program Fund para madagdagan ang mga pasilidad ng mga ospital.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble