ARESTADO ang isang lalaki nitong Biyernes, Enero 5 kasunod ng ginawa nitong bomb joke sa loob ng Quiapo Church.
Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), isang malaking paglabag sa Presidential Decree 1727 ang ginawa ng suspek kung kaya’t ihahain na ang pormal na reklamo laban dito.
Sa ilalim ng batas, ang sinumang lalabag ay maaaring pagmultahin ng hanggang P40,000 o kaya’y ikulong ng mahigit limang taon depende sa desisyon ng korte.
Sa Enero 9 ay isasagawa ang Traslacion para sa Piesta ng Itim na Nazareno kung saan ang hantungan ay sa Quiapo Church.