Isang lalaki sa Colorado, hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa pagpatay sa asawang Pinay

Isang lalaki sa Colorado, hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa pagpatay sa asawang Pinay

HINATULAN ng habambuhay na pagkakakulong nang walang parol ang isang Amerikano matapos napatunayang guilty sa pagpaslang sa kaniyang asawang Pilipina sa korte sa Colorado, USA.

Ayon sa talaan ng naturang korte, umabot ng halos 3 taon nang nabigyan ng hustisya ang pamilya ng biktima ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang bangkay ng 28-anyos na biktima.

Ang nasabing suspek ay sa katauhan ni Dane Kallungi, 42 taong gulang, at napatunayang nagkasala ng first-degree murder para sa pagpatay sa kanyang asawang si Jepsy Amaga Kallungi noong 2019.

Noong Marso 2019, naiulat na nawawala ang biktima.

Ngunit ang imbestigasyon ng pulisya ay nagpahiwatig na pinatay ni Dane ang kaniyang asawa.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter