Isang NPA sa Agusan del Sur nasawi sa engkuwentro

Isang NPA sa Agusan del Sur nasawi sa engkuwentro

NASAWI ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos ang sagupaan sa pagitan ng militar at mga rebelde sa Prosperidad, Agusan del Sur nitong Martes, Marso 4, 2025.

Sa ulat ng Philippine Army’s 401st Infantry Brigade (401IB), kinilala ang nasawi bilang si ‘Darwin,’ kasapi ng NPA Sub-Regional Sentro de Grabidad Southland-North Eastern Mindanao Regional Committee.

Isinagawa ang operasyon sa Prosperidad matapos makatanggap ng ulat mula sa mga residente tungkol sa presensya ng NPA sa lugar na sangkot sa pangingikil at iba pang mapanirang aktibidad.

Nagtagal ng 30 minuto ang nasabing bakbakan sa Brgy. Magsaysay kung saan nakumpiska ng militar ang isang M16 rifle, AR18 rifle, mga backpack, bandolier, at mga subersibong dokumento na naiwan sa pinangyarihan ng labanan.

Ipinagkatiwala naman sa lokal na pamahalaan ng Prosperidad ang labi ng nasawing rebelde para sa tamang proseso.

Matapos ang engkuwentro, nagsagawa rin ng dayalogo at pamamahagi ng mga impormasyon ang 401IB sa mga kalapit na barangay upang tiyakin ang seguridad ng mga residente.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble