Isang vape label, iimbestigahan sa umano’y tax evasion

Isang vape label, iimbestigahan sa umano’y tax evasion

IIMBESTIGAHAN ng House Ways and Means Committee ang vape label na Flava.

Nag-ugat ito sa isang raid ng warehouse ng vape label sa Valenzuela noong Oktubre kung saan nasa 1.4-M piraso ng 10ml disposable vape pods ang nadiskubre at ilegal pang ini-import.

Ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, sinasabing Flava na freebase vape ang kanilang produkto kahit na naglalaman ito ng salt nicotine na kailangan ng mas mataas na tax rate.

Sa batas, P52 per ml ang tax ng salt nicotine vape subalit nasa P60 per 10ml lang ang freebase vape.

Bagama’t nagkakahalaga ng kabuuang P1.43-B ang vape products, tinatayang nasa P728-M ang halaga ng tax na hindi binayaran ng Flava.

Hinihikayat na rin ni Sen. Raffy Tulfo ang Bureau of Customs (BOC) na maghain ng kaso laban sa sinumang sangkot sa smuggling ng e-cigarettes.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble